Sabado, Disyembre 29, 2012

The end..

December 27&28, 2012.

Masaya pa tayo nung una eh. Sana siguro di na lang ako nagreact. If I could turn back time, di ko gagawin lahat ng ginawa ko nung araw na yun. Siguro kung di ko na lang pinansin at di ko pinairal yung pride ko, ayos pa tayo ngayon. Siguro kung inenjoy ko na lang sarili ko, meron pang tayo ngayon. Hay. Ang dami kong regrets tuloy. Sana sana sana.

Pero wala na, tapos na eh.

Ang daming nagtatanong sakin kung ano yung rason, tatlo lang ang sinasabi ko. Sa tingin ko kasi etong tatlo lang naman ang talagang dahilan.

1. Di mo na kaya
2. May nagustuhan kang iba
3. Pareho tayong seloso/selosa

If I could really turn back time, ibabalik ko yung panahon na wala tayong problema.

Pero ayokong baguhin yung mga naging desisyon kong sabihin sayo yung mga bagay na alam kong dapat mong malaman. Ayoko kasi nung nabubuhay ako, tayo, sa kasinungalingan. Ayokong may tinatago.

Hay. Di ko na alam kung ano pang dapat kong sabihin. Di ko na alam kung ano pang dapat kong gawin. Ngayon pa lang nagssink in sakin lahat lahat. Lahat ng panghihnayang, sakit, galit, tampo... Sabi ko ayokong makaramdam ng kahit ano, Sabi ko papakamanhid ako, go with the flow. Hahayaan kita.

Pero nung naisip ko na pwede ka ng mapunta sa iba ngayon, siguro natauhan ako.

Oo kaya ko ng wala, oo kaya kong wala ka sa tabi ko, pero di ko yata kakayanin na makita ka kasama ng iba. Parang iniisip ko pa lang, nanlulumo na ko.

I can't imagine you with someone else.

I want you back.

Oh God. Sana maayos pa to.

Mahal na mahal kita, at ayokong mawala ka... :(

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento